Bago pa man tayo nabuhay, mayron nang mga tao na nabuhay milyon-milyon na ang nakalilipas. Dahil nga sila ang mga unang tao, halos wala pa silang kaalaman sa mundo, parang mga bata lamang sila na may mga malalaking katawan. Sa mga panahong iyon pa lamang nila nalalaman ang mga bagay tulad ng apoy na nadiskubre nilang nagpapasarap ng pagkain at nagbibgay init, putik na masarap sa katawan, mga hayop na malalaki at mas maliit pa sa kanila, at iba pa.
Napakahalaga ng mga sinaunang tao para sa atin dahil sa kanila lamang nagmula ang mga basehan ng mga bagay na ginagamit natin. Sa kanila rin nagmumula ang mga impormasyon tungkol sa pabago-bago na panahon at ang mga impormasyon sa klima at temperatura. Sa kanila rin nagmula ang mga kailangan nating malaman tungkol sa lugar at mundo, sa mga pagkain at kaalaman na gamitin ang balat ng hayop bilang damit. Upang mas mapaiksi, wala tayong kaalaman kapag wala sila.
Para sa akin, ang mga sinaunang tao ay magagaling, dahil nakayanan nila ang hamon ng kapaligiran kahit wala silang mga bahay na gawa sa bato, mga kaalaman sa mga hayop na nasa paligid nila, at kahit wala pa silang lingguwahe ay nakakapag-usap pa sila kahit "body signals" lang ang gamit nila. Nabuhay sila na ang libangan ay makinig lamang sa tunog ng pinupukpok na kahoy. Talagang kahit sila ay nasa medyo hindi ligtas na lugar ay nakayanang paring mabuhay.